15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

Ang mga buto ng berdeng kape ay mga hindi binusang buto ng halamang Coffea Arabica. Sa oras ng pagbusa, ang mga likas na pangontra sa oksihenasyon na naroroon sa mga buto ng kape ay naaalis, na hindi talaga kapaki-pakinabang para sa ating kalusugan. Ngunit habang ang mga buto ng berdeng kape ay hindi dumaraan sa parehong pamamaraan, ang mga ito ay tinuturing na lubhang kapaki-pakinabang para sa ating pangkalahatang kalusugan. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa ibaba upang higit na malaman ang mga benepisyo ng mga buto ng berdeng kape:

Mga Benepisyo ng Mga Buto ng Berdeng Kape para sa Kalusugan:

1. Mayaman Sa Mga Pangontra sa Oksihenasyon:

Mayaman ang mga buto ng berdeng kape sa mga pangontra sa oksihenasyon, na pinabababa ang mga nakasisirang epekto ng mga malayang radikal sa ating katawan at pinangangalagaan ang ating pangkalahatang kalusugan. Ilang bilang ng mga pag-aaral ang nagkumpirma na ang hilaw at hindi naprosesong mga buto ng berdeng kape ay nagtataglay ng 100% ng purong Chlorogenic Acid (CGA), na talagang isang mabangong kimiko ng asidong caffeic na may malakas na mga katangian ng pangontra sa oksihensasyon. Maaari nitong tingnan ang mga antas ng glukos sa ating daluyan ng dugo at pigilin ang mga selula ng balat mula sa pagyupi.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

2. Pinalalakas ang Metabolismo:

Ang Chlorogenic Acid na mayroon sa mga buto ng berdeng kape ay kilala rin bilang isang pampalakas ng metabolismo. Pinatataas nito nang malawak ang Basal Metabolic Rate (BMR) ng ating katawan, na nagpapababa sa sobrang paglabas ng glukos mula sa atay patungo sa dugo. Dahil sa kakulangan ng glukos, nagsisimula ang ating katawan na sunugin ang mga nakaimbak na mga selula ng taba upang mapunan ang kahingian nito sa glukos. Samakatuwid, tinataas ng mga buto ng purong berdeng kape ang ating kakayanan sa pagsunog ng taba at sa huli ay tutulong sa atin na alisin ang sobrang taba.

3. Nakatutulong sa Pagsunog ng Labis na Taba:

Ang mga butong ito ay naglalaman din ng malaking halaga ng halamang-dagat na kelp. Ito ay isang partikular na uri ng gulaman na siksik sa mga esensiyal na bitamina at mineral. Samakatuwid, tumutulong ito sa pagmintina ng mga antas na sustansiya sa ating katawan. Magkakasama nitong pinupukaw ang pagsunog na metabolismo sa ating katawan para maaari nating masunog ang mga di-kanais-nais na taba at kaloriya nang mabilis.

4. Pinipigil ang Gana:

Kung ikaw ay nakararanas ng madalas na matinding kirot mula sa pagkagutom, maaaring makatulong sa iyo ang mga buto ng berdeng kape nang sobra-sobra. Bilang isang malakas at epektibong tagapigil ng gana, maaari nitong makontrol ang ating masidhing paghahangad para sa pagkain at nilalayo tayo mula sa pagkain nang labis. Kaya naman, ang ating katawan ay nagsisimulang magsunog ng mga deposito ng taba at maaari nating maalis ang dagdag na timbang.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

5. Paggamot sa Diabetes:

Ang mga berdeng butong ito ay may kakayahan din sa paggamot ng Type 2 Diabetes nang matagumpay. Ang katas nito ay kilala sa pagpapababa ng mataas na antas ng asukal sa ating daluyan ng dugo, habang pinabibilis ang pagbawas ng timbang. Pareho sa mga ito ang esensiyal sa paggamot ng Diabetes Mellitus Type 2.

6. Pinabababa ang Mga Antas Ng Masamang Kolesterol:

Ang mga antas ng ating kolesterol ay maaaring lubhang masuri gamit ang mga buto ng berdeng kape. Ang Low-Density Lipoprotein (LDL), na kilala rin bilang ‘masamang kolesterol’, ay ang pangunahing salarin na ginagawa tayong bulnerable sa mga nakamamatay na mga kardiyobaskular na mga sakit kabilang ang pagtigil ng puso. Ipinakita ng mga pag-aaral na maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagkonsumo ng katas ng buto ng berdeng kape nang regular.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

7. Tumutulong sa Pagpapabuti ng Sirkulasyon ng Dugo:

Ang mataas na presyon ng dugo ay maaaring ihantong tayo sa ilang nakamamatay na sakit tulad ng atake serebral, panghihina ng puso, hindi gumaling-galing na sakit sa bato, at iba pa. Ngunit nahanap ng mga mananaliksik ang presensiya ng isang napakaaktibo at malakas na sangkap na tulad ng aspirin sa mga buto ng berdeng kape na nagpapataw ng isang positibong bisa sa ating mga daluyan ng dugo sa pamamagitan ng pagpigil sa mga platelet mula sa pagkukumpol-kumpol. Bilang isang resulta, ang mga arterya ay hindi tumitigas at ang sirkulasyon ng dugo sa ating buong katawan ay napabubuti nang malaki.

8. Ginagamit Para sa Likas na Pag-detoxify:

Ang katas ng berdeng kape ay isang likas na pang-detox. Nililinis nito ang ating atay upang gawin itong malaya mula sa mga lason, masamang kolesterol, hindi kinakailangang taba, at iba pa. Habang nade-detoxify ang atay, ang mga gampanin nito ay napabubuti nang malaki, na sa huli ay napasisigla ang ating metabolismo at napabubuti ang ating pangkalahatang kalusugan.

9. Pinalalakas ang Enerhiya:

Dahil sa presensiya ng mataas na dami ng cafeina, maaaring gamitin ang mga buto ng berdeng kape bilang mahusay na pampalakas ng enerhiya. Maaari pataasin ng mga ito ang ating antas ng enerhiya at panatilihin tayong aktibo sa buong araw.

Mga Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape para sa Balat

10. Binabawasan ang Epekto Ng Mga Malayang Radikal:

Ang chlorogenic acid na mayroon ang mga buto ng berdeng kape ay maaaring mabawasan ang mga epekto ng mga malayang radikal sa ating katawan hanggang sa 10 beses kumpara sa regular na berdeng tsaa. Dahil hindi binusa ang mga buto, mayroong ilang ibang ahende ng pagkontra sa oksihensayon mula sa pamilyang polyphenol, Asidong Ferulic, at iba pa, na nagpapabagal sa pamamaraan ng pagtanda at nagbibigay sa atin ng mukhang batang balat.

11. Pinahuhusay ang Sistema ng Kaligtasan sa Sakit:

Ang mga butong ito ng kape ay labis na epektibo sa pagpapahusay ng ating sistema ng kaligtasan sa sakit. Dahil sa paglitaw ng mga malakas na pamputok ng mga malayang radikal, maaaring makatulong ang mga ito sa ating katawan na maalis ang lahat ng uri ng mga elementong nakalalason at nakasisira. Samakatuwid, maaari nating maalis ang balat na malamlam at malapit sa taghiyawat.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

12. Tumutulong sa Pagpapabagal ng Paglitaw Ng Mga Senyales ng Pagtanda:

Kilala rin ang mga buto ng berdeng kape na nagpapanatili ng mataas na antas ng mga pabago-bagong materyal sapagkat hindi nangangailangan ang mga ito ng sumailalim sa pamamaraan ng pagbusa. Ang Gamma-Aminobutyric Acid (GABA), Theophylline, Epigallocatechin Gallate, at iba pa ay ilan sa mga ganitong sangkap na nakatutulong sa ating mamintina ang ating kalusugan sa balat at maiwasan ang paglitaw ng mga kulubot.

13. Tumutulong sa Pag-moisturize ng Balat:

Bukod sa mga ahenteng pangontra ng oksihenaasyon, mayaman din ang mga buti ng berdeng kape sa matatabang asido at mabangong kimiko kabilang ang Asidong Arahidic, Asidong Linoleic, at Asidong Oleic, na nagno-nourish at nagmo-moisturize sa ating balat upang mapigil ang paglaylay, pagkawala ng kulay, at iba pang mga malubhang pagkasira.

Mga Benepisyo ng Mga Buto ng Berdeng Kape para sa Buhok

14. Inaalis Ang Mga Sangkap Na Nakasisira sa Buhok:

Ang nilalamang pangontra sa oksihenasyon ng mga buto ng berdeng kape ay pantay na kapaki-pakinabang para sa ating buhok. Sapagkat tumutulong ito sa ating lumaban sa lahat ng nakalalason at nakasisira, nananatiling malakas, malusog, at maganda ang ating buhok.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

15. Nilalabanan ang Pagkakalbo:

Ang androgenetic alopecia, na tinatawag ding ‘pambabaeng padron na pagkawala ng buhok’, ay maaaring ding mapagaling ng mga buto ng berdeng kape. Ang katas ng mga butong ito ay maaaring magpalakas sa paglaki pati na rin sa kapal ng ating mga hibla ng buhok nang husto.

Sa pangkalahatan, ang mga buto ng berdeng kape ay nagkakahalaga ng isang tingin kung nais mong magbigay ng mataas na pangangala sa iyong kalusugan, balat, at buhok.

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan

15 Nakamamanghang Benepisyo Ng Mga Buto ng Berdeng Kape Para sa Balat, Buhok At Kalusugan
5 (100%) 1 vote